Isa sa mga naisulat kong tula ay ang Rambong. Ito
ay tumatalakay sa personal na paglago ng isang indibidwal. Ang nasabing tula ay
nakasulat sa dayalektong Bikol bilang pagsuporta at pagsulong sa panitikang panrehiyon. Umaasa akong balang araw ay hindi lang mga akdang
nakasulat sa wika ng mga Tagalog ang magkaroon ng malaking lugar sa itinuturing
na lipon ng mga panitikang pambansa kundi pati ang mga panitikang panrehiyon.
Nawa ay magbigay ito ng inspirasyon sa mga makakabasa nito at makakaunawa lalo na yaong mga nasa mahirap na sitwasyon sa kasalukuyan. Utang natin ang tatag na mayroon tayo ngayon sa mga nakaraang pangyayari sa ating buhay lalo na yaong mga may dalang hapdi.
Rambong
Ni Sui Generis Perez
Sarong tanom
Hale sa
pagkasaditsadit na pisog
Ngunyan marambong
Nakatipon nang kusog
hale sa mga kulog
Na nagpagabat sa
saiyang abaga asin likod.
Namatean nya kung
pano mabantang sa irarom kan mainit na aldaw
Mabutod sa
labi-labing pag-uran
Binagyo, manga dahon
nawaran
Manga sanga, siya
naputulan.
Naghibi na daeng
purupundo
Sa sadiring luha sya
napuho
Siisay man an dae mamumundo?
Sa pagmateng an
gracia saimo harayo.
Dai nya inasahan
Na sa naputol na
sanga masupang
An daing sukol na
kagayonan
Asin pagrambong kan
saiyang katawohan
Ngunyan mas nasabotan
Kun nata dapat
pag-agihan
Mga sikumstansyang
malanit
Sa daghan asin sa
anit.
Nasabotan kun nata
may uran
Bako para kita
kariguson ki kamunduan
Nasabotan kun nata
may aldaw
Bako para tutungon
kundi an paglaom magsirang.
Ngunyan handa nang
hampangon
An padagos na
pagrambong
Ta aram kong
pagkatapos kang labi-labing pagtios asin paghigos
Matatanan an bungang
mahamison.
Inihalintulad ko ang ating paglago sa isang buto (seed) at ang mga pangyayari sa ating buhay ay ang ulan at ang init. Paminsan ay gusto natin ito lalo na kung pabor o naaayon ito sa ating mga balak o plano na gagawin. Kung minsan naman ay tayo ay naiinis dahil sa ang panahon ay hindi naaayon o maaaring makasira sa ating plano sa araw na iyon. Kadalasan ay nagrereklamo tayo sa init ng araw dahil masakit at nakasusunog ito ng ating balat. May mga pagkakataon namang ayaw natin sa ulan at kadalasan nga ay sumisimbolo ito sa kalungkutan.
Kung tayo ay nahahapdian sa sikat ng araw o nagiging basang sisiw dahil sa buhos ng ulan, ayos lang na malungkot paminsan dahil dito. Normal iyon bilang isang tao. Ang pinupunto ng tulang ito ay paminsan ma'y ang mga bagay ay hindi naaayon sa ating mga plano at nagdudulot ito ng sakit sa atin, ang katotohana'y KAILANGAN NATIN ITO. Hindi mabubuhay ang isang buto kung wala ang araw at ang ulan.
Kahit gaano man kahapdi ang ating naranasan at nararanasan, kahit bumaha man dahil sa ating mga luha, sana ay lahat natin masilayan ang bahaghari pagkatapos ng mga ito.
Sui Generis Files was featured in Feedspot for the Top 200 Philippine Blogs ranking 141 as of November 7, 2019, four days since the blog was created.