Search This Blog

Wednesday, November 6, 2019

Rambong


          Isa sa mga naisulat kong tula ay ang Rambong.  Ito ay tumatalakay sa personal na paglago ng isang indibidwal. Ang nasabing tula ay nakasulat sa dayalektong Bikol bilang pagsuporta at pagsulong sa panitikang panrehiyon. Umaasa akong balang araw ay hindi lang mga akdang nakasulat sa wika ng mga Tagalog ang magkaroon ng malaking lugar sa itinuturing na lipon ng mga panitikang pambansa kundi pati ang mga panitikang panrehiyon.
             Nawa ay magbigay ito ng inspirasyon sa mga makakabasa nito at makakaunawa lalo na yaong mga nasa mahirap na sitwasyon sa kasalukuyan. Utang natin ang tatag na mayroon tayo ngayon sa mga nakaraang pangyayari sa ating buhay lalo na yaong mga may dalang hapdi.

Rambong

Ni Sui Generis Perez

Sarong tanom
Hale sa pagkasaditsadit na pisog
Ngunyan marambong
Nakatipon nang kusog hale sa mga kulog
Na nagpagabat sa saiyang abaga asin likod.

Namatean nya kung pano mabantang sa irarom kan mainit na aldaw
Mabutod sa labi-labing pag-uran
Binagyo, manga dahon nawaran
Manga sanga, siya naputulan.

Naghibi na daeng purupundo
Sa sadiring luha sya napuho
Siisay man an dae mamumundo?
Sa pagmateng an gracia saimo harayo.

Dai nya inasahan
Na sa naputol na sanga masupang
An daing sukol na kagayonan
Asin pagrambong kan saiyang katawohan

Ngunyan mas nasabotan
Kun nata dapat pag-agihan
Mga sikumstansyang malanit
Sa daghan asin sa anit.

Nasabotan kun nata may uran
Bako para kita kariguson ki kamunduan
Nasabotan kun nata may aldaw
Bako para tutungon kundi an paglaom magsirang.

Ngunyan handa nang hampangon
An padagos na pagrambong
Ta aram kong pagkatapos kang labi-labing pagtios asin paghigos
Matatanan an bungang mahamison.



                      Inihalintulad ko ang ating paglago sa isang buto (seed) at ang mga pangyayari sa ating buhay ay ang ulan at ang init. Paminsan ay gusto natin ito lalo na kung pabor o naaayon ito sa ating mga balak o plano na gagawin. Kung minsan naman ay tayo ay naiinis dahil sa ang panahon ay hindi naaayon o maaaring makasira sa ating plano sa araw na iyon. Kadalasan ay nagrereklamo tayo sa init ng araw dahil masakit at nakasusunog ito ng ating balat. May mga pagkakataon namang ayaw natin sa ulan at kadalasan nga ay sumisimbolo ito sa kalungkutan.

                      Kung tayo ay nahahapdian sa sikat ng araw o nagiging basang sisiw dahil sa buhos ng ulan, ayos lang na malungkot paminsan dahil dito. Normal iyon bilang isang tao. Ang pinupunto ng tulang ito ay paminsan ma'y ang mga bagay ay hindi naaayon sa ating mga plano at nagdudulot ito ng sakit sa atin, ang katotohana'y KAILANGAN NATIN ITO. Hindi mabubuhay ang isang buto kung  wala ang araw at ang ulan. 

                       Kahit gaano man kahapdi ang ating naranasan at nararanasan, kahit bumaha man dahil sa ating mga luha, sana ay lahat natin masilayan ang bahaghari pagkatapos ng mga ito.







  Sui Generis Files was featured in Feedspot for the Top 200 Philippine Blogs ranking 141 as of November 7, 2019, four days since the blog was created.



2 comments:

  1. Ganda!! kudos on you! anyway baka gusto nyo libangan, promote ko lang site ko legit to mga Ma'am and Sir! one of the best betting site up to now https://www.jili888.co/

    ReplyDelete